Thursday, April 22, 2010

Piyesa


Sandaling lumipas,

Ang araw ay nagniningas

Hapdi ng sugat sa diwa’y lapat

Parang ikaw, ayaw umayaw

Kahit anong pilit hindi makakamit

Wag ka yumuko sa laban

Antaying mapagod at mahingal

Isipin mo swerte’y na sa tabi

Dasal at Paniniwala ang sa iyo susi

Tuhod na magalos

Marka ng kasawian at hikahos

Kapit ka lang sa lubid

Kahit marupok na’t mapapatid

Masanay sa wala

Kung dumating, sarili ihanda

Parang ikaw, tulog mantika

Paggising mo ika’y tulala

at mapapa-ano na kaya?