Sunday, September 26, 2010

La Promesa

Anong kanta ang maiaalay
Ngayong hawak ko ang iyong kamay
Saan ko sisimulan
Sa panimula nitong pag-iibigan

Kung susulat man ako ng libro
Iyong pangala’y katabi ng bawat numero
Sa pahina hanggang matapos ito
Nang sa huli ikaw pa rin at ako

Tara na’t isulat natin sa hangin
Mga letrang sa dios ating iparating
Na sa dulo tayo pa rin
Kahit pigilan hindi kayang paghiwalayin

Sinta wag mabahala
Delubyo man hindi tayo magigiba
Tapang at paniniwala
Na sa ating dalwa’y nakapunla