Monday, December 21, 2009

Pagkasabik Kong Hibik

ako ay nasasabik
diwa’y nahihibik..
di malaman kung bakit??
bat dibdib ay naninikip?

isip ko’y blanko
pakiramdam ko’y bato
diwa’y nagsusumo
mundo’y nais ihinto….

mga maliligayang araw..
aking binalik tanaw
inga’y ng kwarto
ngayo’y ihip ng hangin nagbago..

sa liwasan aking nasisilayan..
mga katoto kong nagkakasiyahan…
pilit kong hinahakbang
ngunit tila binti ko’y parang bato kung ihakbang

nais kong ibalik
ang nakaraang sintamis ng isang halik.
pagsasamang walang kapantay
ang KAKLSE kong sa TUNAyn

hay.. pano! pano!
ako’y natutuliro
sa biglang pagbabago
sa mga alaalang sa aki’y hindi maglalaho..

sa haba ng ating paglalakbay..
mga diwa nating magkakaugnay
kayo’y mananatili sa puso’y buhay
kahit ibang daan na ang ating tinutunghay..

sa ating paggising..
iba na ang ating makakapilking
Ngunit wag mabahala
sa mata tayo’y magkikita-kita

sa aking huling wika
hindi ko napansin na ako’y naging makata
ang nais lamang ay makalikha
ng mensahe sa puso ay kinuha…

2 comments:

  1. kewl! u write both in english and tagalog. any bisaya poem? :)

    ReplyDelete
  2. hahahaha!! tito kun magaling ba akong magbisaya poidee sana! kaso my cousin told me ihave a lousy bisaya, and it sounds to be trying hard haha!!

    ReplyDelete